Pinasinayaan ng kapalaran na tayo'y muling magkakitaHInayaan niyang muling matanaw ko ang iyong mala-lupang mga mata
Pinabalik niya sa tamang ruta ang sinulid ng ating pagsasama
Inayos niya ang mga bagay sa tamang porma
Parang isang anino sa dilim noon
Hindi makita... hindi maituon
Ang atensyon ay sadyang mailap
ang pagnanasang sumasambulat
Parang isang maluwag na himala
Isang mapagbirong pagkakataong tumalima
Tadhana'y iginuhit nang magmuli
At ngayon ay may baon pang matamis na sukli
-lencio

pareng essej,sinama ko na to sa unang issue,hehe. pasensya na,di na nakahintay.bawi na lang tayo sa susunod na labas.parang naging experimental lang ung labas ng ginawa ko.andito sa bagong site: lagoszine.blogspot.com at lagoszine.4shred.com.
TumugonBurahiniffigure out ko pa kung pano ka magiging co-author nung blog.alam ko pede un.